Pagbawas sa Rasismo - Tool sa Pag-uulat ng Komunidad
Mahalagang magsalita laban sa pagkapanatiko, diskriminasyon at rasismo. Ang Tool sa Pag-uulat ng Komunidad na ito ay isang paraan na maaari mong kumpidensyal na mag-ulat ng insidente ng rasismo o diskriminasyon.
Ang Victorian Equal Opportunity and Human Rights Commission ang namamahala sa Tool sa Pag-uulat ng Komunidad na ito. Ang Komisyon ay isang independiyenteng katawan ayon sa batas kung saan maaari kang magsampa ng reklamo kung ikaw o isang taong kilala mo ay nahaharap sa anumang uri ng rasismo o diskriminasyon.
Ang Tool sa Pag-uulat ng Komunidad na ito ay ginagawang mas madali at mas naa-access ang pag-uulat para sa lahat. Maaari kang gumawa ng isang maikli, kumpidensyal na ulat nang direkta sa Komisyon gamit ang tool na ito.